HINDI ITO BASTA-BASTA LEAFLET LANG. MAHALAGA ANG LAMAN NITO. ISA KO SA MGA BAGETS NA NAMIMIGAY NITO. BAKIT KO ITO GINAGAWA? ISA LANG ANG DAHILAN, DAHIL GUSTO KONG MARANASAN NIYO RIN ANG PAGMAMAHAL SA ATIN NI GOD. KAILAN KO LANG TALAGA SIYA NAKILALA NG TUNAY AT SA MGA PANAHON NA IYON AY MALAKI ANG PINAGBAGO NG BUHAY KO. GUSTO NIYO MAINTINDIHAN ANG SINASABI KO? IKUKWENTO KO NA LANG SA INYO ANG LAMAN NG LEAFLET NA ITO.
ANG LAYUNIN NG DIYOS:
KAPAYAPAAN AT BUHAY NA WALANG HANGGAN
MAHAL KA NG DIYOS. NAIS DIN NG DIYOS NA MAGKAROON KA NG PERSONAL NA RELASYON SA KANYA AT MAGKAROON NG BUHAY NA WALANG HANGGAN.
ANG SABI NG BIBLIA:
“...MAYROON NA TAYONG MAPAYAPANG RELASYON SA DIYOS SA PAMAMAGITAN NG ATING PANGINOONG HESU-KRISTO.” (ROMA 5:1)
“SAPAGKAT GAYON NA LAMANG ANG PAG-IBIG NG DIYOS SA SANGKATAUHAN, KAYA’T IBINIGAY NIYA ANG KANYANG KAISA-ISANG ANAK, UPANG ANG SINUMANG SUMAMPALATAYA SA KANYA AY HINDI MAPAPAHAMAK, KUNDI MAGKAROON NG BUHAY NA WALANG HANGGAN.” (JUAN 3:16)
“…NGUNIT ANG LIBRENG KALOOB NG DIYOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN.” (ROMA 6:23)
KUNG ANG LAYUNIN NG DIYOS AY PAGKAKAROON NATIN NG MAPAYAPANG RELASYON SA KANYA AT BUHAY NA WALANG HANGGAN, BAKIT MARAMI ANG HINDI NAKAKATAMASA NITO?
ANG ATING SULIRANIN:
KASALANAN AT PAGKAKAWALAY SA DIYOS
NILALANG TAYO NG DIYOS NA MAYROON SARILING PAG-IISIP AT KAKAYAHANG PUMILI. NGUNIT SA KADALASAN, PINIPILI NATIN NA SUMUWAY SA DIYOS SA PAGSUNOD AYON SA PANSARILING NAISIN. ANG PAGSUWAY SA DIYOS AY TINATAWAG NA KASALANAN, AT ITO ANG DAHILAN NG PAGKAKAWLAY NATIN SA DIYOS.
ANG SABI SA BIBLIA:
“SAPAGKAT ANG LAHAT AY NAGKASALA, AT WALANG SINUMANG NAKAABOT SA KALUWALHATIAN NG DIYOS…SAPAGKAT KAMATAYAN ANG KABAYARAN NG KASALANAN…” (ROMA 3:23; ROMA 6:23A)
“KAYA, PIANLAYAS NIYA SA HALAMANAN NG
“ANG MASASAMA NINYONG GAWA ANG DAHILAN NG PAGKAKAWALAY NIYO SA DIYOS. NAGKASALA KAYO KAYA HINDI NIYO SIYA MAKITA, AT HINDI NIYA KAYO MARINIG.” (ISAIAS 59:2)
ANG ATING KASALANANANG NAKAPAGHIHIWALAY SA ATIN SA DIYOS!
ANG KASAGUTAN NG DIYOS:
KAMATAYAN NI HESU-KRISTO SA KRUS
SI HESU-KRISTO ANG TANGING KASAGUTAN SA ATING PAGKAKAWALAY SA DIYOS. SI HESUS AY IPINAKO AT NAMATAY SA KRUS NG KALBARYO, AT MULING NABUHAY UPANG PAGBAYARAN ANG KASALANAN NG BUONG SANLIBUTAN. ITO ANG DAKILANG PAG-IBIG NG DIYOS PARA SA ATIN.
AYON SA BIBILIA:
“…AT WALANG KAPATAWARAN NG KASALANAN KUNG HINDI SA PAMAMAGITAN NG PAG-AALAY NG DUGO.” (HEBREO 9:22)
“NGUNIT IPINADAMA NG DIYOS ANG KANYANG PAG-IBIG SA ATIN NANG MAMATAY SIKRISTO PARA SA ATIN NOONG TAYO’Y MAKASALANAN PA.” (ROMA 5:8)
“SUMAGOT SI HESUS,’AKO ANG DAAN, ANG KATOTOHANAN AT ANG BUHAY. WALANG MAKAKAPUNTA SA AMA KUNDI SA PAMAMAGITAN KO.” (JUAN 14:6)
“KAY HESU-KRISTO LAMANG MATATAGPUAN ANG KALIGTASAN, SAPAGKAT WALANG IBANG PANGALAN NG SINUMANG TAO SA BUONG MUNDO NA IBINIGAY NG DIYOS SAMGA TAO UPANG TAYO AY MALIGTAS.” (GAWA 4:12)
PINAGKALOOBAN TAYO NG DIYOS NG NATATANGING DAAN UPANG TAYO’S MAKAPAGBALIK-LOOB SA KANYA. SIYA’Y KUMAKATOK SA ATING MGA PUSO AT ATAYO’S KANYANG INAANYAYAHANG TANGGAPIN ANG ALAY NIYANG RELASYON SA ATIN.
“NAKATAYO AKO AT KUMAKATOK SA PINTUAN. KUNG DIRINGGIN NINUMAN ANG AKING TINIG AT BUBUKSAN ANG PINTO, PAPASOK AKO SA KANYANG TAHANAN AAT KAKAIN KAMING MAGKASALO.” (PAHAYAG 3:20)
ANG ATING TUGON:
TANGGAPING SI HESU-KRISTO BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS
DAKILA ANG PAG-IBIG NG DIYOS ATMGA PLANO NIYA PARA AS ATIN. NGUNIT ANG TAO AY MAKASALANAN AT NAHIWALAY SA DIYOS. DAHIL DITO HINDI MALALAMAN NG TAO ANG DAKILANG PAG-IBIG AT
AYON SA BIBLIA:
“SIYA ANG TINUTUKOY NG MGA PROPETA NANG KANILANG IPHAYAG NA ANG BAWAT SUMAMPALATAYA SA KANYA AY TATANGGAP NG KAPATAWARAN SA KANILANG KASALANAN SA PAMAMAGITAN NG KANYANG PANGALAN.” (GAWA 10:43)
“SUBALIT ANG LAHAT NG TUMANGGAP AT SUMAMPALATAYA SA KANYA AY BINGYAN NIYA NG KARAPATANG MAGING ANAK NG DIYOS.” (JUAN 1:12)
“PAKATANDAAN NINYO: ANG NAKIKINIG SA AKING SALITA AT SUMASAMPALATAYA SA NAGSUGO SA AKIN AY MAY BUHAY NA WALANG HANGGAN. HINDI NA SIYA HAHATULAN, SA HALIP AY INILIPAT NA SIYA SA BUHAY MULA SA KAMATAYAN.” (JUAN 5:24)
NAIS MO BANG TANGGAPIN SI HESU-KRISTO SA IYONG BUHAY? APAT NA BAGAY LAMANG ANG DAPAT MONG GAWIN:
1. AMININ NA IKAW AY MAKASALANAN.
2. HUMINGI NG KAPATAWARAN SA MGA KASALANAN.
3. MANIWALA NA SI HESU-KRISTO AY NAMATAY SAKRUS ATMULING NABUHAY UPANG ILIGTAS KA SA IYONG MGA PAGKAKASALA.
4. SA PAMAMAGITAN NG PANALANGIN, PAPASUKIN SI HESUS SA PUSO AT TANGGAPIN SIYA BILANG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS.
BAGO KA MANALANGIN KAILANGAN GALING SA PUSO MO ANG DESISYON NA TANGGAPIN SI HESU-KRISTO SA
PANALANGIN:
PANGINOONG HESUS, ALAM KONG AKO’Y MAKASALANAN AT KAILANGAN KO ANG IYONG KAPATAWARAN. NANINIWALA AKO NA NAMATAY KA SA KRUS NG KALBARYO UPANG PAGBAYARAN ANG MGA KASALANANKO. NAIS KONG TALIKURAN ANG MASASAMA KONG GAWI AT NAIS KONG SUNDIN ANG NAIS MO SA AKING BUHAY. TINATANGGAP KITA BILANG AKING DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS. MAGHARI KA SA AKING BUHAY NGAYON AT MAGPAKAILANMAN. AMEN!
NGAYONG TINANGGAP MO NA SI HESUS SA PUSO MO, GUSTO MO PA BA SIYANG MAS MAKILALA PA, INAANYAYAHAN KO KAYONG DUMALO TUWING LINGGO SA:
CINEMA 4, ROBINSON’S NOVA.
TAGALOG SERVICE 8:00-9:30AM
ENGLISH SERVICE 9:45-11:15AM
TAGLISH SERVICE 11:30-1:00PM
YOUTH SERVICE 1:30-3:30PM
AFTERNOON SERVICE 4:00-5:30PM
MIDWEEK SERVICE THURS 7:00PM,
JB CRYSTAL BLDG.,4TH FLR., LOTS 36 & 38, BLOCK 125,
TEL. NOS.: 418-2249,417-6072,418-3255
TXT: 0906-301-2772 ; 0919-533-4422
EMAIL: VCA_FAIRVIEW@YAHOO.COM
WEBSITE: HTTP://VICTORYASIA.HOMESTEAD.COM
KITA KITS!
0 comments:
Post a Comment